AYUDA INIHATID SA BICOL REGION

PATULOY ang pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhang pamilya ng magkakasunod na bagyo sa Catanduanes at Albay.

Nitong Miyerkoles, nagtungo si Senador Francis “Tol” N. Tolentino sa mga nasabing lalawigan matapos ang pananalanta ng Super Bagyong Rolly sa Bicol region kamakailan.

Namahagi ang mambabatas ng relief goods sa bayan ng San Miguel, San Andres, at Virac sa Catanduanes na kabilang sa mga lugar na pinakamatinding napinsala ng Bagyong rolly.

Pinuntahan din ni Tolentino ang probinsya ng Albay, kabilang ang kanyang hometown sa Guinobatan at kadikit nitong bayan kagaya ng Linao, Camalig, Ligao, Tiwi, Malinao, at Malilipot upang maghatid ng ayuda.

Bukod kay Rolly, pinadapa rin ng Bagyong Quinta at Ulysses ang mga nasabing lugar.

Sa Guinobatan, binanggit ni Tolentino na kasalukuyan siyang nakikipag-ugnayan sa pamunuan ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) para sa isang programang pabahay at relokasyon sa mga sinalanta ng mga nagdaang bagyo. (ESTONG REYES)

117

Related posts

Leave a Comment