Kamara hinimok ni Rep. Nograles ANTI-VAPC BILL IPASA NA

UMAPELA si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa liderato ng Kamara na ipasa na ang House Bill 4888 o Anti-Violence Against Partners and their Children (Anti-VAPC) na magpapalawak sa parusa na itinakda sa Republic Act (RA)_ 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children (Act of 2004.

Ginawa ni Nograles ang nasabing panawagan kasabay sa paggunita ng International day for the Elimination of Violence Against Women, kahapon, Nobyembre 25, lalo’t na’t tumaas aniya ang kaso ng VAWC o Violence Against Women and Their Children.

“I urge my colleagues to pass the Anti-Violence Against Partners and their Children bill so that we can help protect victims of domestic violence, who are increasing by the day because of the pandemic,” ani Nograles.

“Huwag po natin hayaang nakabinbin ang panukalang makakatulong para maprotektahan sila,”dagdag pa ng mambabatas kaya mahalaga aniyang maipasa ang nasabing panukala sa lalong madaling panahon.

Ayon sa mambabatas, hindi lang pisikal at verbal na pang-aabuso sa kababaihan at kabataan ang parurusahan kapag naipasa ang nasabing panukala kundi maging ang mga electronic violence na ginagawa sa mga ito na palala nang palala.

Inihalimbawa nito ang survey ng Plan International sa may 25,000 kababaihan, kung saan ipinakikita na tumaas ang sexual harassment sa online sa nasabing sektor sa pagpapakalat ng malalaswang larawan at videos ng kababaihan.

Idinagdag pa aniya ng Plan International ang kakulungan ng impormasyon ng mga tao kung saan ire-report ang pang-aabuso na nararanasan ng mga kabataan sa online man o maging sa offline.

Dahil dito, nais ng mambabatas na ipagbawal ang fake accounts sa social media na ginagamit ng sexual predators sa pang-aabuso.

“Any act of violence perpetuated as hate crimes against partners and their children would also be considered a special aggravating circumstance, which would impose the maximum penalty on the violator,” ani Nograles.

Lumabas din aniya sa National Demographic and Health Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2017 na isa sa bawat 4 Pinay na edad 15 hanggang 49 ay nakaranas ng physical, emotional o sexual violence sa kanilang asawa o partner.

Maging sa pag-aaral ng UP Population Institute na kinomisyon ng UNFPA ay umaabot sa 12,100 kaso ng physical at sexual violence laban sa mga babaeng may asawa kada buwan lalo na noong kasagsagan ng community quarantine.

“Nariyan ang social media that provides us with greater reach while using minimal resources. We must maximize the tools at our disposal and show that we are serious in tackling this perennial problem,” ani Nograles. (BERNARD TAGUINOD)

152

Related posts

Leave a Comment