AYUDA NG ACT-CIS TULOY-TULOY

TULOY-TULOY lang ang ayuda ng ACT-CIS Party-list sa mahihirap at mga nangangailangan na kababayan.

Sa isang panayam, sinabi ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap, “hindi titigil ang pagbibigay ng ayuda ng grupo kahit wala na sa ACT-CIS si Sir Erwin Tulfo.”

Matatandaang si Tulfo ay itinalaga ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Yap, Si Cong. Jeff Soriano na ang magpapatakbo ng ACT -CIS Action Center.

Ani Yap, “tuloy ang pagbibigay nila ng mga gamot, hospital and burial assistance” sa mga kapuspalad na mamamayan na dudulog sa kanilang tanggapan.

Pahabol pa ni Yap, lumipat na ang ACT-CIS Office sa 81 Mother Ignacia St. mula sa Timog Avenue, Quezon City.

188

Related posts

Leave a Comment