Babala sa grupong pro-Duterte PH BANKRUPT SA REVGOV

BINALAAN ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang pro-Duterte group sa panawagan na magtayo ng revolutionary government (RevGov) dahil makasasagabal at makasasama ito sa fiscal position kaya’t malaki ang posibilidad na ma-bankrupt ang Pilipinas sa gitna ng corona virus 2019 (COVID- 19) pandemic.

Sa pahayag, iginiit ni Gatchalian na kahit ang mga economic manager ng bansa ay tumututol sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungo sa pederalismo katulad ng panawagan ng grupong pro-
Duterte.

Aniya, magdudulot ito ng kawalan ng katatagan sa usaping pananalapi ng bansa na makasasama sa ekonomiya sa pangmatagalan panahon at magkakaroon ng malawakang fiscal deficits sa budgeting system.

“Kung ibaba natin ito sa local governments, maba-bankrupt ang national government, sino ang magbabayad ng mga utang? Lalaki yung ating deficit. Ngayon ang tanong — saan tayo kukuha ng
panggastos para labanan ang COVID-19? Even the economic managers were very wary and they were strongly opposing the shift to federalism,” giit ni Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na malaki rin ang posibilidad na kapag binago ang sistema ng gobyerno ngayon ay mas lalong itutulak natin ang bansa sa pagguho.

“Kapag nag-move tayo to federalism at this point in time, mas lalaki pa ang problema natin, from health crisis lilipat tayo into economic crisis, or even a political crisis,” paliwanag niya.

Sa halip, nanawagan si Gatchalian ng pagkakaisa at koopereasyon sa lahat ng Filipino dahil hahatiin ng revolutionary government ang ating bansa at lulusawin ang magkakahiwalay na sangay ng
pamahalaan na nagtataguyod ng pagkakaroon ng sistema ng check and balances. (ESTONG REYES)

83

Related posts

Leave a Comment