DUMATING na ang Bagong Pilipinas.
Ito ang kumpiyansang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Lungsod Quezon.
Ayon sa Pangulo, ang kalagayan ng bansa ay matatag at mabuti at ang bagong Pilipinas ay dumating na.
Sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon, tinuran ng Pangulo na ang kanyang kumpiyansa ay “further buoyed by the world-class Filipino workforce’s demonstration of love for their homeland.”
“Every Filipino has unanimously risen to the challenge that we have made to them to be part of the nation’s future. Handa silang maghandog ng tulong, dahil mahal nila ang kanilang kapwa-Pilipino, at mahal nila ang Pilipinas,” ang pahayag ng Pangulo.
“With this in my heart, I know that the state of the nation is sound, and is improving. Dumating na po ang Bagong Pilipinas,” aniya pa rin.
Sa nakalipas na taon, ang malaman ang presensiya ng napakalaking bilang ng “highly competent at dedicated workers” na nagsisilbi sa pamahalaan ay sinasabing “source of great hope and optimism” para sa kanya.
Idagdag pa rito, bahala na aniya ang burukrasya na magbigay sa kanila ng mabuting pamumuno at patnubay.
“They love the Philippines, and have responded to our call,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ang pangalawang SONA ng Pangulo ay nakatuon sa mga accomplishments ng administrasyon sa iba’t ibang aspeto gaya ng ekonomiya, infrastructure development, agriculture, peace and order, turismo, enerhiya, Mindanao peace efforts at marami pang iba.
Inisa-isa rin ng Pangulo ang mga plano na nais ng kanyang gobyerno na bitbitin sa hinaharap para panatilihin ang development ng bansa. (CHRISTIAN DALE)
512