BAGYONG ‘DODONG’ ‘DI TATAMA SA LUPA 

pagasa12

(NI KIKO CUETO)

PAPASOK ng Philippine Area of Responsibility (PAR)  ang binabantayang bagyo ng Pagasa, pero hindi ito tatama sa lupa.

Sinabi ni Pagasa weather specialist Ezra Bulquerin na ang low pressure area (LPA) ay huling namataan 1,300 kilometers east ng Mindanao.

Naunang sinabi ng state weather bureau na ang naturang weather disturbance ay posibleng maging isang ganap na bagyo.

Papangalanan itong “Dodong,” sa oras na pumasok ng bansa.

Posibleng ngayong Sabado o sa madaling araw ng Linggo ito papasok ng bansa.

Ito ang ikaapat na bagyo na papasok sa PAR.

Sinabi naman ni Bulquerin na ang ridge of high pressure area na nakaaapekto sa eastern section ng Luzon ang siyang patuloy na magdadala ng mainit na panahon sa ibang bahagi ng bansa.

 

 

389

Related posts

Leave a Comment