BAKUNA KONTRA POLIO PATULOY SA GITNA NG PANDEMYA

LAGUNA – Patuloy ang pagsasagawa ng lokal na pamahalaan ng Calamba at Department of Health DOH 4-A sa pamimigay ng bakuna kontra polio sa mga batang edad 5 pababa.

Inilunsad din kamakailan ang “Sabayang Patak Kontra Polio” na isang door-to-door vaccine para sa mga bata na hindi pinapayagang lumabas ng bahay.

Taong 2019 nang muling nakapagtala ng sakit na Poliomyelitis o polio sa Pilipinas. Ito ay matapos ang 19 taon at nagmula ito sa lungsod ng Calamba.

Kaya’t sa FB Page ni Calamba City Mayor Justin Chipeco, hinikayat niya ang lahat ng ina sa lungsod na may anak na 5 taon pababa na hindi pa napatakan ng kontra polio na dalhin sa mga barangay o sa mga pediatrician ang

kanilang anak upang mabakunahan. Ito ay libreng makukuha maging sa mga barangay.

Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, Regional Director ng DOH 4-A, hindi dapat matakot ang mga ina na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil ligtas naman ito.

Patuloy na mag-iikot sa buong Calabarzon ang DOH 4-A upang magbigay ng bakuna sa mga bata. (CYRILL QUILO)

106

Related posts

Leave a Comment