GURO ARESTADO SA PAGTUTULAK NG DROGA

MAGUINDANAO – Sa halip na chalk at eraser, matigas na rehas ang hawak ngayon ng isang guro matapos itong arestuhin dahil sa pagtutulak umano ng ilegal na droga sa Datu Odin Sinsuat.

Dinakip sa buy-bust operation ang elementary school teacher na si Roy Martin Ledesma, 46-anyos, residente ng Barangay Semba sa nasabing bayan.

Nakuha sa suspek ang maliliit na sachet ng pinaniniwalaang shabu, marked money, mga lighter at iba’t ibang identification cards. Ayon sa pulisya, ang suspek ay gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A.9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Ledesma. (BONG PAULO)

68

Related posts

Leave a Comment