BAKUNA, LIGTAS KA NGA BA?

BAKIT mukhang hindi epektibo ang bakuna o vaccine laban sa ­COVID-19 sa lahat ng mga nabakunahan?

‘Di ba ang sabi ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug ­Administration (FDA) na mas ligtas daw sa ­COVID-19 kung ikaw ay bakunado.

Eh bakit po sa datos mula sa DOH, nakasaad na mayroon pa ring namamatay sa mga nahawaan ng COVID-19 kahit fully vaccinated na?

Akala ko ba ang sabi ng DOH na kapag bakunado ka na at sakaling tamaan ka o mahawaan ka ng COVID-19 ay hindi na magiging serious o malubha ang epekto nito sa isang bakunado, pero bakit po mayroon pa ring namamatay na mga bakunado na tinamaan ng COVID-19?

Ang masama pa niyan eh inamin mismo ng DOH at FDA na hindi 100% na hindi ka na mahahawaan ng COVID-19 kahit fully vaccinated ka na.

So, ano po ba talaga ang magiging kahalagahan ng naturang bakuna? Hindi po ba mahahalintulad ‘yan ng dengue vaccine na Dengvaxia vaccine na makalipas ang isang taon ay lumabas na ang side effects.

Mahigit sa dalawang daang mga naturukan ng Dengvaxia vaccine ang namatay at ngayon nga ay hinahabol ng mga pamilya ng mga biktima ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH, sa tulong ng Public Attorney’s Office sa pangunguna ni PAO chief, Atty. Persida Rueda-Acosta.

Ito ay upang mapanagot ang mga ito kasama ang mga kumpanya na gumawa ng Dengvaxia vaccine.

Siguro ang kailangan dito ay maging makatao ang mga kinauukulan at ihayag ang tunay na epekto ng mga bakuna sa mga nabakunahan na, kasi ang DOH at FDA mismo ay inamin na hindi pa rin ligtas sa COVID-19 ang mga fully vaccinated na.

So, anong saysay ng bakuna kung gayon? Kasi sa huling datos ng mga bakunado na, mahigit labing-isang milyon ang nabakunahan ng first dose at mahigit sa siyam na milyon ang fully vaccinated na, ngunit umaabot pa rin sa 735 ang nahawaan ng COVID-19 at 65 dito ang namatay.

Hindi po kaya dahilan ng biglaang pagtaas ng bilang ng mga pasyente na isinusugod sa ospital ay dahil sa adverse o side effects ng mga naituturok na bakuna sa mga tao? Ano po ba talaga ang totoo?

Kasi nga po wala naman talagang alam ang publiko kung ang mga naisusugod nga ba sa mga ospital ay dahil nahawaan ng COVID-19 o dahil sa side effects ng bakuna, dahil tanging ang DOH lamang ang nakakaalam nito.

Kailangan siguro na i-ulat ng DOH ang tunay o katotohanan sa estado ng mga bakunado, di ba?

Kagaya niyan si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na fully vaccinated pero nagpositibo pa rin sa COVID-19. At naisugod na nga ito sa Sta. Ana Hospital ng lungsod ng Maynila.

Oo nga pala, ‘di ba mayroong nakalaan na pondo para sa mga nabakunahan at nagkaroon ng side effects, nasaan na kaya ang pondong ‘yon? Nagagamit kaya ‘yon nang tama?

161

Related posts

Leave a Comment