BALASAHAN SA GABINETE ITINANGGI NG MALAKANYANG

Sinabi ng Malakanyang na wala pang planong magpatupad ng reshuffle sa gabinete ni Ferdinand Marcos Jr..

Ayon kay Claire Castro, nananatili ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa kanyang mga kalihim.

“Hindi pa po naipapaabot sa atin kung mayroon sa ngayon,” ani Castro.

Nauna rito, nanawagan ang grupong MANIBELA sa pagbibitiw sa puwesto ni Energy Secretary Sharon Garin, kaugnay ng umano’y panig nito sa malalaking kompanya ng langis sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Wala pang opisyal na pahayag si Garin hinggil sa naturang panawagan. Ayon naman sa Malakanyang, ginagampanan ng kalihim ang kanyang tungkulin.

(CHRISTIAN DALE)

41

Related posts

Leave a Comment