SURIGAO DEL SUR – Ilang araw bago ang paggunita sa ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag ng New People’s Army, napatay ang isang armadong galamay ng Communist Party of the Philippines at nakubkuob ng mga sundalo ng AFP 4th Infantry Division ang pinagkukutaan ng communist terrorist group sa bayan ng Marihatag sa lalawigang ito.
Ayon sa ulat, anim na high powered firearms ang nabawi sa isinagawang military operation ng 75th Infantry Battalion na nasa operational control ng 401st Brigade matapos ang engkwentro sa Sitio Montenegren, Brgy. San Isidro, sa bayan ng Marihatag.
Ayon sa Philippine Army – 75th IB, may 20 NPA terrorists (CNT) na nagsasagawa ng panggugulo at pangingikil sa Surigao del Sur area, ang kanilang nakasagupa matapos na ituro ng concerned citizens.
Matapos na maberipika ang sumbong, hinanap ng mga sundalo ang pinagkukublihan ng mga mga rebelde at agad na nagkaroon ng engkwentro.
Iniwan ng CTG ang kanilang namatay na kasamahan na kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan. (JESSE KABEL)
103