13 UNDOCUMENTED CHINESE HULI SA DREDGING SHIP SA BATAAN

DINAMPOT ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 13 undocumented Chinese nationals sa isang dredging vessel na naka-angkla sa Mariveles, Bataan.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ni Commodore Jay Tarriela, Tagapagsalita ng PCG para sa WPS, ang sasakyang pandagat na Harvest 89 ay nag-abiso na bibiyahe patungong San Felipe, Zambales para sa dredging operations.

Sa kabila nito, nagduda ang PCG nang tumanggi ang ahente ng barko na payagan silang mag-inspeksyon sa kadahilanang kumpleto naman ang

kanilang mga dokumento.

Dahil dito, mas ginawang masusi ang inspeksyon ng PCG sa Limay Substation at nakita ang 9 na Tsino na walang dokumento, na sinundan ng pagkakatuklas sa 4 pa na nagtatago sa loob ng barko.
Nagduda rin ang PCG sa mga Tsino nang makita ang uniporme na hawig ng gamit ng mga kasapi ng People’s Liberation Army.

Nakikipag-ugnayan na ang PCG sa iba pang ahensya ng gobyerno. (JOCELYN DOMENDEN)

53

Related posts

Leave a Comment