147 IMMIGRATION OFFICERS ITINALAGA SA NAIA

NAG-DEPLOY ang Bureau of Immigration (BI) ng 147 karagdagang Immigration Officers (IO) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero sa apat na paliparan para sa darating na summer vacation

Ayon sa report, ang pagtatalaga ng additional immigration officers sa NAIA, ay bilang preparasyon sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero mula sa labas ng bansa at mga pasaherong manggagaling sa iba’t ibang probinsiya na magbabakasyon sa karatig na lugar sa Metro Manila.

Batay sa impormasyon, ang mga bagong IO ay inaasahan na makatutulong sa agency manpower sa premier port, ‘at the height of the travel season’ ngayong parating na summer.

Ayon sa impormasyon, ang 147 IO ay ide-deploy sa apat na airport sa darating na April 24, bago dumating ang inaasahang pagdagsa ng traveling public, bukod sa makasisiguro rin ang ahensiyang ito na maipatutupad ang immigration protocols laban sa human trafficking at illegal recruiters. (FROILAN MORALLOS)

183

Related posts

Leave a Comment