2 HOLDAPER TIMBOG SA BARIL, DROGA

RIZAL – Kalaboso ang dalawang hinihinalang holdaper sa isinagawang buy-bust operation ng Rizal Police Intelligence Office sa Hi-way 2000, Brgy. Sta. Ana, sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito, noong Linggo.

Iniulat ni P/Col. Dominic Labbao Baccay, Provincial Director, kay P/BGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., Regional Director PRO CALABARZON, ang pagkakaaresto sa mga suspek na Nassief Dumaraya y Salic, alyas “Nash”, at Arthur Ramos y Gonzales.

Ayon sa ulat, isang alyas “Nash” ang sangkot sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa nasabing lugar.

Bunsod nito, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Rizal PIU at Taytay MPS na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at nakumpiska ang pitong sachet ng umano’y shabu na tinatayang 30 gramo at P204,000 ang halaga, isang .38 caliber revolver, 8 piraso ng iba’t ibang cellphones, motorsiklo,  at buy-bust money.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 at illegal possession of firearms and ammunition. (KNOTS ALFORTE)

4

Related posts

Leave a Comment