UMABOT sa 20 driver ng mga UV Express ang natiketan ng Law Enforcement Group ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa T.M. Kalaw St., Ermita, Manila nitong Martes ng umaga.
Nabatid na ang mga UV Express driver na naisyuhan ng tiket ay may biyaheng Southmall Las Piñas-Lawton, Manila dahil sa iba’t ibang paglabag gaya ng overpricing.
Nalaman na sumisingil ang mga driver ng P70 hanggang P80 kada pasahero para sa 11 kilometrong layo na dapat ay P2 lamang kada kilometrong layo.
Habang ang ilan naman ay walang naka-display na QR code na kasama umano sa ibinibigay sa mga operator sa pagrehistro ng kanilang sasakyan para maipasada.
Nalaman na may P5,000 ang multa sa unang paglabag hanggang sa pag kansela ng prangkisa sa ikatlong paglabag. (RENE CRISOSTOMO)
249