2M BASURA NAKOLEKTA SA KALINISAN PROGRAM

NAGAWA ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakolekta ng mahigit sa 2.6 million kilograms ng basura mula sa paglulunsad ng Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Program ng gobyerno.

Mahigit 9,000 barangay ang nagpartisipa rito.

Base sa national status report ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Linggo, makikita na nakakolekta ang KALINISAN program ng 2,646,948 kilograms ng basura mula sa 9,189 na nagpartisipang barangay sa bansa.

Iniulat din ng DILG na 580,000 indibidwal ang nagpartisipa sa clean-up drive kasama ang 109,939 lokal na opisyal.

Sa 580,000 indibidwal, 103,249 ang sumali sa programa mula Cagayan Valley; 103,044 mula Central Luzon; 117,161 mula Calabarzon; 59,630 mula Mimaropa; 29,814 mula Central Visayas; 27,287 mula Zamboanga Peninsula; 63,996 mula Northern Mindanao; at 8,060 mula SOCCSKSARGEN.

Tinatayang 39,109 indibidwal naman ang nagpartisipa sa cleanup drive mula National Capital Region (NCR) at 28,650 mula Cordillera Administrative Region (CAR).

Samantala, magsasagawa naman ang DILG ng quarterly recognition sa mga Local Government Units (LGUs) na episyenteng ipatutupad ang Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Program ni Pangulong Marcos Jr.

(CHRISTIAN DALE)

94

Related posts

Leave a Comment