2ND BOOSTER SHOTS SA SENIORS PINAMAMADALI

UMAPELA sa gobyerno si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes na madaliin ang pagbibigay ng 2nd booster shots sa mga nakatatandang populasyon ng bansa.

Ginawa na ni Ordanes ang apela dahil marami nang senior citizens ang ‘eligible’ ng 2nd dose sa kadahilanang may tatlong buwan nang lumipas nang maturukan sila ng kanilang booster shot.

Nabanggit din ng namumuno sa House Special Committee on Senior Citizens na milyon-milyong COVID 19 vaccines ang malapit nang mag-expire at upang hindi masayang ang inutang ng gobyerno para makabili ng mga bakuna, makabubuti kung ituturok na ito bilang second booster shot o 4th dose sa ‘vulnerable sectors.’
“Iyan ang kailangan ng ating mga senior citizens para doble maproteksyunan pa sila dahil alam naman natin ne very vulnerable sila sa COVID-19 kaya malakas na panlaban ang second booster shot sa kanila,” dagdag pa ng mambabatas.

Sinabi pa nito na may ilan pa sa humigit kumulang 10 milyong senior citizens sa bansa ang hindi nababakunahan at marami rin sa mga fully vaccinated sa kanila ang hindi pa nagpapaturok ng kanilang booster shot.

Kaya’t apela ni Ordanes sa mga kinauukulang ahensiya at lokal na pamahalaan na hanapin at puntahan na sa kanilang mga bahay ang mga ito upang bakunahan.

Samantala, base sa resulta ng Pulse Asia survey, Top 6 ang Senior Citizens Party-list na Numero 158 sa balota, sa hanay ng party-list groups.

Isinagawa ang survey noong nakaraang Abril 16 hanggang 21. (DANG SAMSON-GARCIA)

100

Related posts

Leave a Comment