3 SUGATAN, 300 BAHAY NATUPOK SA TONDO

UMABOT sa 300 kabahayan ang natupok habang tatlo katao ang nasugatan sa mahigit dalawang oras na sunog sa Isla Puting Bato, Tondo Manila noong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-3:49 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa Purok 3, Isla Puting Bato, Barangay 20 sa Tondo.

Umabot sa ika-5 alarma ang sunog at idineklarang fire-out dakong alas-5:31 ng hapon.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, station commander ng Manila Police District-Delpan Police Station 12, kasama si Police Captain Genesis Aliling at mga tauhan nito, nakaantabay sila sa mga indibidwal na posibleng magsamantala sa insidente.

Nabatid sa ulat ni Fire/Supt. Leo Andiso, ground commander, umabot sa 500 pamilya ang naapektuhan ng sunog na tumupok sa mahigit 300 kabahayan.

Tatlong indibidwal naman ang nasugatan na isinugod ng medical rescue personnel sa ospital.

Samantala, ang mga biktima ng sunog ay dinala sa evacuation center.

(RENE CRISOSTOMO)

62

Related posts

Leave a Comment