TATLO katao ang sugatan sa sunog na tumupok sa 25 kabahayan habang 75 pamilya ang nawalan ng tirahan sa LRC Compound sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila nitong Martes ng madaling araw.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire under control dakong alas-6:00 ng umaga.
Ayon sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, dahil sa masisikip sa daan, nahirapan ang mga pamatay-sunog na maapula agad ang apoy.
Wala namang iniulat na namatay sa insidente maliban sa tatlong nasugatan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Arson Division upang mabatid kung ano ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng naging pinsala nito sa mga ari-arian. ( RENE CRISOSTOMO)
119