300 BULACAN FISHERFOLKS TUMANGGAP NG LIVELIHOOD ASSISTANCE

LUNGSOD NG MALOLOS – Namahagi ng tulong pangkabuhayan si Gob. Daniel R. Fernando sa mga mangingisdang Bulakenyo sa idinaos na Distribution of Gill nets and Marine Engine to Fisherfolks na ginanap sa Bulacan Sports Complex sa lungsod na ito noong Miyerkoles, Pebrero 1, 2023.

May kabuuang 233 gill nets at 65 marine engines ang naipamahagi sa 300 Bulakenyong mangingisda mula sa lungsod ng Malolos at mga bayan ng Hagonoy, Calumpit, Paombong, San Rafael at Obando.

Ayon kay Fernando, malaki ang papel ng agrikultura sa pag-unlad ng Bulacan. Pinayuhan din niya ang mga mangingisda na manatiling responsable at panatilihin ang kanilang kapanatagan sa panahon ng mga hindi inaasahang kalamidad sa lalawigan.

“Mamamayang Bulakenyo, pagdating sa pagbabawas, maging responsable. Upang makarating sa atin ang kaunlaran, kailangan nating maging handa sa mga pagbabagong makakamit sa ating lipunan. Ang hiling ko lang ay magtulungan tayo, magtulungan tayo para walang bagyong dumating, magtulungan tayo para maging maganda ang taon na ito para ipagpatuloy ng ating mga magsasaka ang kanilang negosyo, at magtulungan tayo na protektahan ang inyong mga batas,” ani Fernando.

Nagbigay rin ang tinaguriang People’s Governor ng karagdagang tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P1,000 bawat mangingisda bilang karagdagang tulong sa kanilang mga pamilya. (ELOISA SILVERIO)

302

Related posts

Leave a Comment