5 SANGKOT SA FAKE NEWS SASAMPOLAN NG COMELEC

HIHINTAYIN ng Commission on Elections (Comelec) na matapos ang halalan at ang limang indibidwal  ay sasampahan ng kaso makaraang matukoy na nagpapakalat umano ng “fake news” sa social media ukol sa nalalapit na national and local elections sa Mayo 9.

Ayon kay Commissioner George Garcia sa Kapihan sa Manila Bay forum, inilapit na nila sa National Bureau of Investigation (NBI) noong nakaraang linggo ang kaso laban sa mga netizen na sinisiraan umano ang kredibilidad ng komisyon at ang proseso ng halalan.

“Asahan niyo po in the next succeeding days, even after the elections, we will be filing cases against these individuals simply because mali po ‘yung ginagawa nila,” banta pa ni Garcia.

Ngunit nilinaw ni Garcia na tanging habol lamang ng poll body ang mga nagpapakalat ng ‘fake news’ at hindi layong pigilan ang mga kritisismo o komentaryo laban sa kanila.

Napakahalaga umano ng malayang pamamahayag at ginarantiyahan na hindi sila magkakaso sa mga taong nagbibigay lamang ng opinyon.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang mga mapatutunayang nagpapakalat ng disimpormasyon sa mga botante ay maaaring makulong ng mula isa hanggang anim na taon. (RENE CRISOSTOMO)

182

Related posts

Leave a Comment