50 PAMILYA HOMELESS SA SUNOG SA NAVOTAS

UMABOT sa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang isang residential area sa Navotas City noong Martes ng gabi.

Agad binisita ni ­Mayor-elect Cong. John Rey Tiangco ang mga nasunugan sa Sitio Puting Bato sa Brgy. North Bay Boulevard South Proper para makumusta ang kanilang kalagayan at makapaghatid ng tulong.

Pansamantalang nanunuluyan sa basketball court sa naturang barangay at sa kanilang mga kaanak ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog habang patuloy naman ang pagbibigay ng pamahalaang lungsod ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Ipinag-utos naman ni incumbent Mayor Toby Tiangco sa mga tauhan ng pamahalaang lungsod na magbigay ng makakain, hygiene at sleeping kits sa mga pamilyang apektado.

Bandang alas-6:50 ng gabi nang magsimula ang sunog nasabing lugar at mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan na pawing yari sa light materials.

Iniakyat ng Navotas Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa unang alarma, idineklarang fire under control dakong alas-7:54 ng gabi at tuluyang naapula ang apoy makalipas ang halos dalawang oras.

Walang naiulat na namatay o nasaktan sa naturang insidente at inaalam pa ang sanhi ng sunog. (ALAIN AJERO)

155

Related posts

Leave a Comment