500 PASAWAY NA PULIS SA NCR, SINIBAK

UMABOT sa kabuuang 500 pulis mula sa Philippine National Police-National Capital Region Office, ang sinibak sa kanilang pwesto kabilang ang isang police colonel, simula nang maupo si PMGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., bilang hepe ng PNP-NCRPO.

Ayon kay MGen Nartatez, ang decommissioning ng mga pulis ay patuloy na ginagawa sa NCRPO. Inihayag ito ni Nartatez sa monthly forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View restaurant.

Sinabi pa ni Nartatez, ang pagpaparusa sa pasaway na mga pulis ay mula demotion, dismissal hanggang sa pagbawi ng mga benepisyo.

Kaugnay nito, nilinaw ng heneral na tanging limang porsyento lamang ng kabuuang bilang ng mga pulis sa bansa ang gumagawa ng katiwalian at ang mga ito ay nakatatanggap ng kaukulang parusa.

“It is unfair for the 95 percent who are doing good,” giit ng general.

Samantala, sinabi rin ni Nartatez na may 40 ang nahuhuli kada araw sa Metro Manila dahil sa illegal drugs.

Nabatid pa na ang standard value ng drogang nahuhuli kada araw ay P1.2 million.

Ibinasura rin ng heneral ang ideya ng armed confrontation sa drug suspects, maliban na lamang kung ito ay self-preservation sa panig ng mga pulis na nagsasagawa ng anti-drug operations.

(JESSE KABEL RUIZ)

77

Related posts

Leave a Comment