6 PATAY SA BAGYONG PAENG SA QUEZON

patay

QUEZON – Anim na katao ang naitalang namatay sa pananalasa ng Bagyong Paeng sa lalawigang ito.

Ayon kay Quezon PDRRMO head Dr. Melchor Avenilla Jr., lima sa mga biktima ay nalunod sa mga bayan ng Dolores, Guinayangan, Pagbilao, Padre Burgos, Infanta at Lucena.

Nalunod sa ilog sa Barangay Boboin sa bayan ng Infanta  si Jerald Sinar habang ito ay namumulot ng inaanod na mga kahoy. Kinilala naman ang nalunod sa Barangay Ligpit Bantayan sa bayan ng Guinayangan na si Michael Perez, 49-anyos.

Nalunod naman sa bayan ng Padre Burgos ang 58-anyos na si Felipe Forte. Sa bayan ng Dolores, nalunod din sa Barangay Dagatan ang 52-anyos na si Arnel Tienza.

Bukod sa 4, may isa pang hindi kilalang hubad na bangkay ang natagpuan  sa baybaying dagat sa Barangay Dalahican sa Lucena City.

Ang isa namang namatay na biktimang si Ronaldo Lustado ay nabagsakan ng gumuhong pader.

Nakapagtala rin ng limang nasugatan sa nasabing kalamidad sa lalawigan.

Ang Quezon ang isa pinakamatinding hinagupit ng bagyong Paeng kung saan dalawang beses itong nag-landfall sa dalawang bayan sa nasabing probinsya. (NILOU DEL CARMEN)

17

Related posts

Leave a Comment