8 TULAK TIKLO SA P.9-M SHABU, MARIJUANA SA RIZAL

RIZAL – Arestado sa 7 kilo at 21.54 gramo ng marijuana bricks at shabu ang umano’y walong  tulak sa ikinasang anti-drug operation ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit (PIU-PDEU), sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ni Rizal PNP Provincial Director, P/Col. Dominic Baccay, kay PRO4A Regional Director, P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang mga naaresto na sina John Patrick Antonio Manuel, 24; Julius Diaz Manuel, 25; Dan Aaron Ocampo dela Cruz, 23; John Aries Ignacio Alejandro, 27; John Michael Darua; Alfred Empeynado, 23; Rose Ann Digo, 32, at Aida Roxas, 52-anyos.

Unang nadakip sina Patrick at Julius Manuel, Ocampo at Ignacio sa Brgy. San Rafael, Montalban at nakuha sa kanila ang 7 kilo ng ziplock marijuana bricks at fruiting tops na nagkakahalaga ng P840,000. Si Darua ay nadakip sa Antipolo at nakuhanan ng 10 ng umano’y shabu na may halagang P68,000. Si Empeynado ay nakuhanan ng 4.6 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P31,280,00, habang sina Digo at Roxas ay nakunan ng 6.94 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P41,192.00, pawang mga nadakip sa Banaba at Maly, San Mateo.

Pinuri ni P/BGen. Nartatez ang mga operatiba sa matagumpay na buy-bust operation at tiniyak na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek. (ENOCK ECHAGUE)

30

Related posts

Leave a Comment