ACTIVE COVID CASES SA NAVOTAS, 3 NA LANG

covid

NAITALA ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas noong Martes, Mayo 17, ang pinakamababang bilang ng active COVID-19 cases ngayong taon.

Tatlo na lamang ang nalalabing COVID patients, kasunod ng limang magkakasunod na araw na walang naitatalang bagong kaso.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Mayor Toby Tiangco ang mga Navoteño sa kanilang suporta at kooperasyon sa pagpapatuloy ng laban kontra pandemya.

“Our sacrifices and continued vigilance have paid off. Congratulations to us all. Let us keep our defenses up. Continue to practice the health and safety protocols, and complete your vaccinates, including your booster doses,” paalala ng alkalde.

Huling naitala ang tatlong kaso ng active COVID cases sa fishing capital noong Disyembre 18, 2021.

“Now that the Department of Health has confirmed the local transmission of the more contagious Omicron sub-variant, we must be more cautious and work harder to limit its possible spread and prevent any more surges,” ani Tiangco. (ALAIN AJERO)

Related posts

Leave a Comment