ADDITIONAL EDCA SITE, PH-US BALIKATAN STAGING AREAS BINISITA NG AFP CHIEF

TULOY-TULOY ang pagbisita ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino sa iba’t ibang lugar na pinagdarausan ng Balikatan 38-2023 Joint RP-US military exercises sa Northern Luzon kabilang ang additional sites para sa kontrobersyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Kabilang sa unang sinilip ni Gen. Centino ang Lal-lo Airfield sa Cagayan na isa sa mga staging area ng Balikatan Field Training Exercises (FTX) sa Hilagang Luzon.

Pinuntahan din ng heneral ang Marine Battalion Landing Team-10 (MBLT 10) ng Philippine Marine Corps na nagsasanay kasama ang 3rd Littoral Logistics Battalion ng US Marine Corps sa Naval Base Camilo Osias, San Vicente, Sta. Ana, Cagayan.

Binista rin ni Gen. Centino ang 5th Infantry Division (5ID), Philippine Army sa Gamu, Isabela, na nagsasanay kasama ang mga tropa ng 25th Infantry Division ng US Army.

Kasama ni Gen. Centino sa pagbisita sa ilang military camp at staging areas para sa joint PH-US war games, sina Philippine Air Force chief, Lt. Gen. Stephen Parreño, at Northern Luzon Command (NOLCOM) commander, Lt. Gen. Fernyl Buca na miyembro rin ng Hukbong Panghimpapawid.

Ang  Naval Base Camilo Osias sa San Vicente, Sta. Ana, Cagayan, at 5th Infantry Division sa Gamu, Isabela, ay kabilang sa karagdagang apat na l EDCA sites na inihayag ng gobyerno.

“It is important that we realize that if we work together with our friends and allies, we will be stronger. Therefore, make the most of these exercises,” ani CSAFP sa tropa mula sa Northern Luzon Command, (JESSE KABEL RUIZ)

136

Related posts

Leave a Comment