BABY GIRL PATAY SA RAPE?

CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite police ang pagkamatay ng isang taong gulang na baby girl na hinihinalang namatay dahil sa pang-aabuso sa Imus City nitong Lunes ng madaling araw.

Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Imus ang biktimang natuklasang may dugo sa kanyang ari.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Anthony Macario ng Imus City Police, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang isugod sa ospital ang biktima dahil umano sa pang-aabuso subalit hindi umabot nang buhay.

Nakitaan ng pagdurugo ang ari ng biktima kaya inaalam kung ginahasa ito.

Ayon kay Macario, ang biktima ay nakatira sa bahay ng umampon sa kanya sa Green State Subd., Brgy. Malagasang 1F, Imus City matapos itong kunin sa ina nito pagkapanganak sa kulungan. Nakakulong ang ina dahil sa kasong paglabag sa  RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Dagdag pa ni Macario, hiwalay na ang mga magulang ng biktima pero hindi alam kung nasaan ang ama nito. (SIGFRED ADSUARA)

426

Related posts

Leave a Comment