BATA PATAY SA NALULON NA GUMMY BALL CANDY

ANTIQUE – Patay ang isang 7-anyos na batang lalaki matapos mabulunan ng gummy ball candy sa Barangay Poblacion, sa bayan ng San Remigio sa lalawigan.

Ayon sa tiyahin ng biktimang si “Tristan”, nagpabili ito ng gummy ball candy sa kanyang inang si “Ara” sa tindahan.

Nang makabili ang nanay, agad kinain ng bata ang candy subalit laking gulat ng ina nang makita itong nahihirapan sa paghinga makaraan ang ilang sandali. Hindi sinasadyang nalulon pala nito nang buo ang bilog na candy.

Agad itong isinugod ng mga kaanak sa ospital at tinanggal ang nakabarang candy sa lalamunan subalit nalagutan ng hininga ang bata.

(NILOU DEL CARMEN)

205

Related posts

Leave a Comment