BATAS PARA SA MGA MAY ANAK NA PWD PINOPORMA NG ACT-CIS SA KAMARA

MAGHAHAIN ng isang panukalang batas ang ACT-CIS Party-list na tutulong sa mga pamilya na may miyembrong persons with disability (PWD).

Paliwanag ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap, ang naturang batas ay isang financial aid para sa mahihirap na pamilya na may mga anak o miyembro na PWD.

“Nakita ko yung pag-aaral na ginawa ng DSWD at lumalabas na mas malaki ang gastos ng pamilya na may PWD na miyembro o anak,” ani Cong. Yap.

Aniya, “napupunta na lang halos higit sa kalahati ang kita ng isang pamilya sa gamot, check-up, o therapy para sa PWD na anak”.

Ayon kay Yap, ang naturang batas ay magbibigay ng P1,000 kada buwan sa pamilya na may anak na PWD bilang tulong ng gobyerno sa kanilang gastusin.

“Initially, mga pamilya na mahihirap o below middle class lang ang target ng nasabing batas dahil hindi na kakayanin kung lahat ng may anak na PWD ang bibigyan,” ayon kay Yap.

“Kasama din siyempre ang mga single mom na nasa minimum wage lang ang kinikita,” dagdag pa ng mambabatas.

18

Related posts

Leave a Comment