NAGKABIT ng mga sticker sa mga pampublikong sasakyan ang pamunuan ng Cavite Police Provincial Office (PPO) bilang bahagi ng pagpapalaganap ng mga panuntunan ng “Bawal Bastos Law” o Safe Spaces Act (RA11313).
Pinangunahan ni Cavite Police Director PCOL Dwight Alegre ang pagkakabit ng sticker sa mga tricycle at PUVs kung saan makikita ang hotline number ng lokal na pulisya para maireport ang anomang uri ng pambabastos.
Layon ng batas na ito na protektahan ang lahat mula sa Gender-Based Sexual Harassment (GBSH) na karaniwang nagaganap sa mga pampublikong lugar/sasakyan, online platforms, workplace, paaralan at pribadong lugar.
“Ang paggalang ay hindi isang opsyon lamang, kundi isang obligasyon” at mahalagang maitaguyod ang respeto at dignidad sa bawat isa, lalo na aniya sa mga pampublikong lugar.
Ang panggigipit, verbal abuse at mga hindi naaangkop na pag-uugali ay hindi kailanman dapat maging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ayon, ayon pa kay Alegre. (SIGFRED ADSUARA)
4