BI, 82% NANG NASA AUTOMATED SYSTEM

IBINIDA ng Bureau of Customs (BOC), nasa 82 porsyento na ng kanilang mga sistema ang ‘automated o computerized’ sa ilalim ng kanilang programa sa modernisasyon, dahilan para tumaas ang kanilang koleksyon kahit ngayong pandemya.

Nasa 139 sa 170 proseso nito ang ‘computerized’ na, na naisagawa sa loob ng anim na taon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, noong 2020, umabot sa P537.69 bilyon ang kanilang naging koleksyon na nahigitan ang target nila na P506.15 bilyon.

Noong 2021 naman, umabot sa P643.56 bilyon ang kanilang koleksyon na mas malaki pa sa P630.31 bilyong koleksyon bago pa tumama ang pandemya noong 2019.

Nakakolekta rin ang BOC ng dagdag na P1.5 bilyon sa pamamagitan ng kanilang ‘post-clearance audit’ sa 342 importers, at P895.95 milyon mula sa 176 aplikasyon sa kanilang ‘prior disclosure programs (PDP)’, isang mekanismo kung saan boluntaryo na iniuulat ng mga importer ang pagkakamali sa kanilang deklarasyon.

Sa ulat sa Department of Finance, nakumpleto na rin umano ng BOC ang integrasyon ng Manila International Container Port, Ports of Manila, Cebu, at Davao sa Customs Operations Center sa Maynila.

Gumagamit na rin sila ng Cargo Targeting System ng World Customs Organization, kung saan kailangang i-transmit nang maaga ng mga dayuhang barko ang kanilang ‘shipping information’ para sa seguridad.

Kaya naman umano ngayon ng BOC na tukuyin, matyagan at ma-audit ang lokasyon, maging ang kondisyon ng mga container sa pamamagitan ng ‘electronic tracking’ ng kanilang ‘containerized cargo system.’ (RENE CRISOSTOMO)

98

Related posts

Leave a Comment