Buwelta ni Lopez sa Asenso Manilenyo PATAY ‘WAG NANG IDAMAY

KINONDENA ni Atty. Alex Lopez ang pahayag ng Asenso Manilenyo sa kanyang ama kaugnay ng usapin sa binentang ari-arian ng lungsod.

Ayon kay Lopez, ang pagdawit sa pangalan ng kanyang yumaong ama ay nakakababa ng moralidad at hindi angkop para sa isang sibilisadong lipunan.

Tinangka ng mga taong nasa likod ng Asenso Manilenyo na patahimikin ang oposisyon upang protektahan ang kasalukuyang administrasyon ng lungsod. Nagbanta rin umano sila na sisirain ang mga alaala ng yumaong mga mahal sa buhay ng kanilang mga kritiko.

Imposible umano ang akusasyon ng Asenso Manilenyo laban kay Mel Lopez dahil nanungkulan ito bilang alkalde taon 1986 hanggang 1992 at matapos ito marami pang administrasyon ang naupo sa lungsod ng Maynila.

“Nakakalungkot isipin na ang mga pahayag ng Asenso Manilenyo ay puro panlilinlang tungkol sa pagbebenta ng mga ari-arian ng lungsod ng Maynila. Ang ibang mga pangunahing lungsod, hindi kailanman nagbenta ng mga ari-arian nito upang madagdagan ang kani-kanilang badyet para sa pagtugon sa COVID-19. Ang pagbebenta ng Divisoria Public Market, isang paggamit upang masagip ang kanilang nadudulas na paghawak sa kapangyarihan, na walang pagsasaalang-alang sa mga taong tapat na naghahanap buhay,” bahagi ng pahayag ni Lopez, kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas sa pagka alkalde ng lungsod.

Isa sa mga pangunahing plataporma ni Atty. Lopez ang pagtiyak na ang Manilenyo ay may hanapbuhay at kanyang isasaalang-alang ang kapakanan ng bawat mamamayan upang makamit nito ang mga munting mithiin na makapamuhay sa kasaganaan at kapayapaan.

256

Related posts

Leave a Comment