COVID-19 CASES SA QUEZON PROVINCE TUMATAAS

covid

PATULOY na tumataas ang naitatalang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Quezon ngayong pumasok ang buwan ng Mayo.

Batay sa tala ng Quezon Provincial Health Office (QPHO), mula sa dating isang aktibong kaso noong April 10, umabot na ngayon sa 181 ang active cases sa lalawigan.

Mula noong April 10 ay nakapagtala ang QPHO ng 532 na panibagong mga nagpositibo sa COVID. Habang 351 naman sa mga ito ang nakarekober na sa sakit.

Noong Mayo 3 nang biglang sumirit ang mga kaso sa lalawigan na nagkaroon ng double digits na average ng bilang ng nahahawa sa virus kada araw.

Ayon pa rin sa QPHO, ang pinakamataas na bilang na naitala sa loob ng isang araw ay noong Mayo 17 na umabot sa 43 kaso ang naitala.

Nakapagtala na rin ang QPHO na 9 na bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa panibagong pagtaas ng mga kaso sa loob ng lamang ng isang buwan.

Kabilang sa mga bayan na may naitalang bagong kaso ng pagkasawi dahil sa virus, ay ang Tayabas City na may 2 namatay, 2 sa Candelaria, at tig-iisa sa mga bayan ng San Antonio, Tagkawayan, Lucban, bayan ng Quezon sa Alabat Island at isa sa Lucena City. (NILOU DEL CARMEN)

173

Related posts

Leave a Comment