CPP-NPA HIGH RANKING TERRORIST NAPATAY

NAPATAY ng mga tauhan ng Philippine Army ang high-ranking communist terrorist ng CPP-NPA Sub-Regional Committee (SRC) Sesame, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC), nang makasagupa nito ang mga sundalo mula sa 78 Infantry “Warrior” Battalion, 8th Infantry “Stormtroopers” Division, sa bulubunduking bahagi ng Brgy. San Gabriel, Borongan City, Eastern Samar nitong nakalipas na linggo.

Sa ipinarating na ulat sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, habang nagsasagawa ng routine combat operations ang tropa ng 8TH ID, nasabat nila ang isang grupo ng mga armadong kasapi ng Apoy Platoon, SRC Sesame na nauwi sa sagupaan.

Dito napatay ang pinuno ng armadong galamay ng Communist Party of the Philippines na kinilalang si Martin Colima alias “Moki”.

Sa takot na maubos silang lahat, mabilis na tumakas ang mga rebelde at iniwan ang bangkay ng kanilang pinuno.

Nasamsam sa encounter site ang isang caliber .45 pistol, pitong backpacks at subversive documents.

Ayon kay 78IB Commanding Officer, Lt. Col. Allan Tria, si alias “Moki” at grupo nito ang responsable sa terrorist activities sa Eastern Visayas.

Sila rin umano ang nasa likod ng pagpatay sa anim na sundalo at pagkasugat ng 20 iba pa mula sa Army 14th Infantry Battalion kasunod ng sagupaan sa Brgy. Pinanag-an, Borongan City noong Nobyembre 11, 2019.

Bukod dito, nahaharap din si alias “Moki” sa multiple existing cases gaya ng murder, attempted murder, frustrated murder, at robbery.

Siya rin ang mastermind sa pananambang sa National Highway sakop ng Barangay Libuton, Borongan City, Eastern Samar noong Disyembre 13, 2019 na ikinamatay ng isang pulis, tatlong sibilyan at pagkakasugat ng 12 iba pa, kabilang ang isang menor de edad at isang taong gulang na sanggol.

(JESSE KABEL RUIZ)

 

62

Related posts

Leave a Comment