FORMER GOV TIWALANG HINDI PANINIWALAAN NI FL LIZA ‘PEACE DISTRACTIONS’ SA BARMM

TIWALA si dating Maguindanao governor Esmael “Toto” Mangudadatu na hindi paniniwalaan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang aniya’y ‘peace distractions’ na pinapanukala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa pamamagitan ng video message, umapela ang dating gobernador sa kanyang mga kaanak na tigilan na ang paggamit sa pangalan ng Unang Ginang.

“Hintuan na niya ang panggagamit kay Unang Ginang. Alam ko naman ang Unang Ginang ay mas mataas ang pinag-aralan sa amin. Huwag ho magpadala. Alam ko naman hindi siya nagpapadala eh,” pahayag ni Mangudadatu patungkol sa kaanak na umano’y dinodomina ang gaganaping halalan matapos tanggihan ang appointment bilang chief minister ng rehiyon.

Tinukoy ni Mangudadatu ang mga kaanak na sina Suharto “Teng” Mangudadatu, dating TESDA chief at Mariam Mangudadatu, gobernador ng Maguindanao del Sur na umano’y tatakbo sa top position sa BARMM.

“Si First Lady, tulad ng sinabi ko, professor yan eh, abogada yan eh, lawyer yan eh. Hindi siya magpadikta dun sa isang tao na alam naman niya puro dakdak lang. Puro Pangalan lang ang gagamitin. Puro sa power lang nila. Eh kasi sa totoo lang, maniwala kayo sa akin.

Ganun talaga ang ugali nila Teng. Mag name-dropping,” ayon pa kay Mangudadatu.

Nauna rito, sinabi ni Mangudadatu na hindi dapat magpalinlang si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pahayag nina Teng at Mariam na aniya’y pawang akusasyon lamang.

“Nirerespeto nila si Presidente Marcos na ipatupad lahat ang mga programa at proyekto,” aniya, kaugnay ng mga proyektong isinasakatuparan ngayon sa BARMM.

60

Related posts

Leave a Comment