Giit ng solon sa gobyerno EVACUATION CENTERS ISABAY SA REHAB PROGRAM

IGINIIT ng isang mambabatas sa Kamara sa gobyerno na isabay ang pagpapatayo ng matatag at permanenteng evacuation centers sa rehabilitation program na ikinasa ng gobyerno sa mga probinsyang sinalanta ng bagyong Odette.

Ginawa ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang nasabing panawagan sa gobyerno habang hinihintay ang aksyon ng Senado sa panukalang batas para magtayo ng evacuation centers sa bawat bayan.

“Rehabilitation should not only cover the reconstruction of typhoon-damaged infrastructure but should also consider adaptation measures to help safeguard people from future calamities,” ayon sa mambabatas.

Unang sinabi ni Cabinet Secretary at Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na ikinakasa ang rehabilitation program sa mga probinsya na sinalanta ng bagyong Odette.

Target umano ng administrasyon na matapos ang rehabilitasyon sa loob ng natitirang anim na buwan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kapangyarihan.

Kabilang sa mga rehiyon sa bansa na labis na sinalanta ng bagyong Odette ang Region 4B (Mimaropa–Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan), Region 6 (Western Visayas), Region 7 (Central Visayas), Region 8 (Eastern Visayas), Region 10 (Northern Mindanao), at Region 13 (Caraga).

“Building permanent, durable evacuation centers complete with the essential facilities that evacuees need is among the adaptation measures that the government should include in its six-month rehabilitation efforts in the Odette-battered provinces in the Visayas and Mindanao,” ani Villafuerte.

Ipinaliwanag ng mambabatas na layon ng permanenteng evacuation centers na matiyak na mailagay sa ligtas na lugar ang mga maaapektuhan ng kalamidad lalo na ang bagyo sa hinaharap kaya dapat isabay na ito ito sa isasagawang rehabilitasyon.

Kahit hindi pa aniya naipapasa ang nasabing panukala sa Senado, dapat na aniyang umpisahang magtayo ng evacuation centers na hindi kayang paguhuin ng 8.0 magnitude na lindol at bagyong may lakas na 300 kilometer per hour (kph). (BERNARD TAGUINOD)

4

Related posts

Leave a Comment