CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 53-anyos na ginang nang mabagsakan ng nabuwal na bakal na poste makaraang mabangga ng isang dump truck sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Miyerkoles.
Isinugod sa Manas Hospital ang biktimang si Ma. Fe Gutierrez Nazareno, may asawa, isang food handler, ng Brgy. Timalan, Naic, Cavite subalit idineklarang dead on arrival.
Samantala, bukod sa poste, isang aluminum van at isang motorsiklo ang nabangga rin ng dump truck na minamaneho ni Mhar Garcia Amparo, 26, ng Brgy. Sahud Ulan, Tanza, Cavite, nasa kustodiya na ng pulisya.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jonathan Lagario ng Tanza Police Station, dakong alas-4:30 ng hapon nang mangyari ang insidente. (SIGFRED ADSUARA)
166