“KAILANGANG unahin talaga ng susunod na administrasyon ang paglikha ng trabaho para sa lahat.”
Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, marapat na iprayoridad ng susunod na uupong Pangulo ng bansa ang pagbibigay ng hanapbuhay sa bawat Pilipino.
Sang-ayon si Yap sa sinabi ng nangungunang presidential aspirant na si dating Sen. Bongbong Marcos na trabaho ang dapat i-priority ng susunod na gobyerno dahil marami ang nawalan nito dulot ng pandemya.
Ayon kay Yap, kapag ibinalik ng mga botante ang ACT-CIS sa Kongreso ay susuportahan nila ang job creation programs ng susunod na administrasyon.
Ani Yap, marami ang nawalan ng hanapbuhay o kita dahil sa COVID-19 pandemic kaya tutulong sila sa susunod administrasyon para makalikha ng trabaho.
Isa sa naiisip na paraan ng ACT-CIS ay ang pagtulong sa mga kumpanya at negosyo na nalugi at tuluyang nagsara dahil sa pandemya.
68