HINABOL NG MGA TANOD, PWD NALUNOD SA ILOG

BATANGAS CITY – Walang buhay na lumutang ang isang binata na sinasabing may kapansanan sa pag-iisip, nang tumalon sa ilog habang hinahabol umano ito ng nagpapatrolyang mga tanod ng Brgy. Pallocan West sa lungsod noong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si John Louie Aclan, 19-anyos.

Ayon sa report ng Batangas City Police, dakong alas-6:00 ng umaga nang marekober ang labi ng biktima sa Calumpang River ng search and rescue team ng CDRRMO, mga barangay tanod at mga residente ng lugar.

Ayon sa nakasaksing mga residente, tumalon sa ilog ang biktima nang sitahin at habulin ng mga barangay tanod nang maaktuhang pumasok sa barracks ng mga trabahador sa isang construction site dakong madaling araw.

Agad sumaklolo ang mga tanod at sinubukan itong sagipin subalit dahil madilim pa ang paligid, hindi ito matagpuan at nawala sa malalim na bahagi ng ilog.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang naturang insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

54

Related posts

Leave a Comment