KABILANG SA DRUG LIST, HULI SA MANDALUYONG

NATIKLO ang isang 42-anyos na kabilang sa Unified Drugs Watchlist makaraang makumpiskahan ng 21.8 gramo ng umano’y shabu sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Eastern Police District sa Mandaluyong City.

Ayon sa ulat ni Eastern Police District (EPD), director, P/BGen. Wilson Asueta kay NCRPO Regional Director P/BGen. Jonnel Estomo, kinilala ang nadakip na si alyas “Jorge”, 42-anyos, residente ng Brgy. Addition Hills, sa lungsod.

Dakong alas-12:40 ng madaling araw makalipas ang isang linggong surveillance ng mga operatiba ng EPD, isinagawa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek sa #334 L. Gonzales St., Brgy. Hagdan Bato, Libis, Mandaluyong City.

Nasamsam sa suspek ang apat  na transparent plastic sachet ng shabu na 21.8 grams ang timbang at tinatayang P148,240 ang halaga, .45 kalibre ng baril, magazine at pitong  bala.

Ayon kay Asueta, matapos ang sunod-sunod na surveillance operation ng mga awtoridad laban sa suspek na umano’y nasa watchlist ng Eastern Police District, at sa koordinasyon sa PDEA, naaresto ang suspek na nakapiit na sa detention cell.

Ang nakumpiskang mga ebidensya ay dinala na sa PNP-Forensic Group sa Camp Crame, Quezon City. (ENOCK ECHAGUE)

18

Related posts

Leave a Comment