KERWIN ESPINOSA INILIPAT SA TAGUIG JAIL

MAKARAANG makumpleto ang mga dokumento na isinumite sa korte, inilipat na sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang umaming ‘drug dealer’ na si Kerwin Espinosa mula sa National Bureau of Investigation (NBI) detention jail sa Taft Avenue, Ermita Manila.Ayon kay Department of Justice Prosecutor General Benedicto Malcontento, noon pang nakaraang linggo nailipat si Espinosa sa Taguig jail na pinatatakbo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).Lahat ng mga mosyon na nagbibigay ng awtorisasyon sa paglipat ni Espinosa ay naisampa na sa lahat ng korte kung saan may nakabinbin itong kaso.

Ang paglilipat kay Espinosa ay makaraan ang umano’y pagtatangka nitong tumakas sa NBI detention jail noong Enero 13, 2022  subalit nabigo ito nang matunugan ng nakatalagang jailer ng piitan.

Matatandaan na tinanggal na rin siya sa Witness Protection Program dahil sa iba’t iba nitong paglabag. (RENE CRISOSTOMO)

116

Related posts

Leave a Comment