LALAKI BINARIL SA NOO, ITINAPON SA ILOG

QUEZON – Isang lalaking may tama ng bala ng baril sa noo ang natagpuang nakalutang sa ilog sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng tanghali.

Kinilala ang biktimang si Jerlyn Burgos Agbay, 42, taga Brgy. Loob, San Antonio, Quezon.

Batay sa report ng Tiaong Police, nadiskubre ng mga residente ang bangkay sa ilog sa Sitio Kuta, Brgy. Ayusan 1.

Isinailalim sa pagsusuri ng SOCO ang labi para malaman kung anong baril ang ginamit ng suspek at para sa iba pang ebidensya na makatutulong sa paglutas sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

12

Related posts

Leave a Comment