LIBRENG sakay sa mga mananakay ng Light Rail Transit 2 (LRT- 2) ang alok ng pamunuan sa araw ng paggunita sa pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal sa Biyernes, Disyembre 30.
Base sa naging pahayag ngΒ LRTA – 2, ang libreng sakay ay mulaΒ alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ngΒ umaga, at dakongΒ alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi
Ang mga unang tren ay aalis mula sa Claro M. Recto Station at Antipolo Station sa ganap na alas-5:00 ng umaga, at ang huling tren mula sa Antipolo Station ay aalis ng alas-9:00 ng gabiΒ at alas-9:30 ng gabiΒ mula sa Recto Station.
Ang libreng sakay ay bahagi ngΒ pakikiisa ng Light Rail Transit Authority sa mga mananakay sa paggunita at pag-alala sa kabayanihan ni Gat. Jose Rizal.
Gayunman, nagbabala ang pamunuan ng LRTA sa mga pasahero na panatilihin ang health and safety protocol upang maiwasanΒ ang COVID-19Β infection .
Layunin nito na makatipid kahit na sandali ang mga mananakay sa libreng sakay.
Mananatili pa rin ang seguridad ng bawat indibidwal makaraang iutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Major General Jonnel Estomo ang paghihigpit sa bawat istasyon ng tren, hindi lamang sa LRT- 2 kundi maging sa LRT 1. (RENE CRISOSTOMO)
288 