LINDOL NARAMDAMAN SA CAGAYAN, ISABELA

WALANG naitalang pinsala sa Maconacon Airport matapos tamaan ng 5.8 magnitude earthquake kahapon ng umaga, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ayon sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang 5.8 magnitude earthquake ay naramdaman ng mga taga Maconacon, Isabela. Ang epicenter o sentro ng lindol ay nasa 17.50°N, 122.32°E – 015 km N 36° E ng Maconacon, Isabela.

Batay sa impormasyon, nangyari ang lindol bandang alas-8:49 kahapon ng umaga, (Mayo 4, 2023), at ang intensity 5 ay naramdaman din sa Peñablanca , Enrile sa Tuguegarao City at Cagayan, Isabela.

Habang isinusulat ang balitang ito, walang naging structural damage ang runway ng Tuguegarao Airport at mga gusali sa paliparan.

Pinayuhan naman ng CAAP ang kanilang mga tauhan na maging kalmado sa kahaharapin na aftershocks. (FROILAN MORALLOS)

293

Related posts

Leave a Comment