LUMAKLAK NA WALANG PAMBAYAD, 3 ARESTADO

CAVITE – Arestado ang tatlong kalalakihan matapos na tinangkang tumakas at hindi bayaran ang tinatayang P4,530 na halaga ng kanilang ininom sa isang KTV bar sa Bacoor City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong estafa sina Jerick Flores y Gumabo, 28; Richard Piccio,  21, at Christopher Demdam y Asuncion, 21, dahil sa reklamo nina Suzette Pagulayan, 35, floor manager, at Mico Sarte, waiter, ng Sparkle S3 KTV Bar sa Brgy. Molino 1, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Roberto Lacasa ng Bacoor City, dakong alas-2:15 ng madaling araw nang pumasok ang mga suspek sa nasabing KTV bar at nag-order ng beer.

Umabot sa halagang P4,530 ang halaga ng kanilang ininom subalit nang singilin na ay wala pala silang perang ipambabayad.

Tinangka pang tumakas ng tatlo subalit hinabol sila ng manager ng KTV habang ang mga bystander sa labas ng bar ay tinawag ang isang nagpapatrolyang pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito. (SIGFRED ADSUARA)

121

Related posts

Leave a Comment