MAG-ANAK SUGATAN SA DUMP TRUCK

BATANGAS – Grabeng nasugatan ang limang miyembro ng pamilya matapos araruhin ng kasalubong na dump truck ang kanilang sinasakyang tricycle sa national highway sa bayan ng Calaca sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Batay sa report ng Calaca Police, nawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho ng dump truck na 24-anyos na helper na si Darwen Gerela kaya sinalpok nito ang tricycle na minamaneho ng padre de pamilya ng mga biktima na si Roldan Cesario, 35-anyos.

Grabeng nasugatan si Cesario ganoon din ang maybahay nitong si Genoveva Cesario, 33, at mga anak na sina Jedan, 11; Jerold, 7; at ang 2-anyos na si Prince Dan.

Agad isinugod ang mga ito sa Ospital ng Calaca at nilalapatan pa ng lunas.

Naaresto naman ng mga pulis ang driver ng dump truck na sinampahan ng kaso. (NILOU DEL CARMEN)

3

Related posts

Leave a Comment