SINAMPAHAN ng kasong estafa ang isang mag-asawa nang madiskubreng huwad ang titulo ng lupa sa Brgy. San Fernando Buenavista, Guimaras na kanilang ibinenta, makaraang madakip sa entrapment operation sa Jaro, Iloilo City noong Hulyo 28, 2023.
Kinilala ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Medardo De Lemos, ang mag-asawang sina Brixzel at Hope Evangelista, kapwa residente ng Jaro, IloIlo City.
Batay sa ulat na isinumite ng NBI-Western Visayas Regional Office (NBI-WEVRO), ang mag-asawa ay nahaharap sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code thru Falsification of Public Documents under Article 171 at 172 of the RPC.
Nauna rito, nagtungo sa tanggapan ng NBI ang complainant makaraang madiskubre na peke ang titulo ng lupa sa Brgy. San Fernando, Buenavista, Guimaras, na ibinenta ng mag-asawa at humingi ng
P500,000 bilang paunang bayad.
Agad namang nagkasa ang mga awtoridad ng entrapment operation sa pinag-usapang lugar para sa kabuuang bayad ng complainant, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.
(RENE CRISOSTOMO)
203