SALES CLERK TIMBOG SA PEN GUN

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act) ang isang 24-anyos na sales clerk makaraang makumpiskahan ng improvised na baril sa Tondo, Manila noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Ruel Almario, ng Inocencio Street, Tondo.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., commander ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, bandang alas-9:30 ng gabi, habang nagsasagawa ng Enhanced Managing Police Operation (EMPO) sina Police Staff Sergeant Ric Carlo Dela Cruz at Police Staff Sergeant Ryan Rueda sa kanilang area of responsibility (AOR), nang makatanggap ng tawag ang desk officer ng Padre Algue Police Community Precinct, sakop ng Station 2, na may isang lalaking armado ng baril.

Agad namang nagresponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek habang naglalakad sa panulukan ng Jose Abad Santos at sa G. Araneta Streets sa Tondo, na nakumpiskahan ng pen gun na may isang bala.

(RENE CRISOSTOMO)

221

Related posts

Leave a Comment