MAGDYOWA NADALE NG BUS, RIDER UTAS

LUCENA CITY – Patay ang isang lalaki, habang sugatan ang live-in partner nito nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na bus sa National Highway Diversion Road sa Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito, noong Linggo ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa QMC Hospital sa Lucena City ang biktimang si Nicanor Garido Corigal, 38, dahil sa grabeng pinsala sa kanyang katawan.

Isinugod naman sa isang ospital sa Pagbilao ang 28-anyos na angkas nito na si Mary Jane Porenas Lagar.

Batay sa report ng Lucena City Police, dakong alas-9:30 ng gabi, magkasalubong na tumatakbo ang motorsiklo at DLTB bus na patungo sa direksyon ng Pagbilao.

Nang biglang sumalubong ang motorsiklo sa linya ng bus na minamaneho ni Mark Anthony Ilag Lamac, 37, taga Padre Burgos, Quezon, na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan. (NILOU DEL CARMEN)

82

Related posts

Leave a Comment